Maliban sa banta ng 2019 novel coronavirus, binabantayan din ang pagtaas ng kaso ng dengue sa Eastern Visayas.
Sa datos ng Department of Health (DOH) Eastern Visayas, nakapagtala na ng 1,198 na kaso ng dengue ngayong taon sa rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2 ang nasawi.
Sa lalawigan ng Leyte nakapagtala ng may pinakamaraming bilang ng tinamaan ng dengue.
Pero sa kanila ng mataas na bilang ng kaso, sinabi ni DOH Region 8 Information Officer John Paul Roca, na 41 percent pa ring mas mababa ang bilang kumpara sa parehong petsa noong nakaraang taon kung saan naitala ang 2,020 na kaso.
READ NEXT
Tatlo pang Pinoy kabilang sa panibagong batch ng mga sakay ng Diamond Princess na nagpositibo sa nCoV
MOST READ
LATEST STORIES