Ayon sa pahayag ng Princess Cruises, sa 66 na panibagong mga nagpositibo, apat ay mula sa Australia, 1 mula sa Canada, 1 sa England, 46 ang mula sa Japan, 3 ang Pinoy 1 ang mula sa Ukraine at 11 sa Amerika.
Dahil sa panibagong mga nagpositibo ay umakyat na sa 8 ang bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa nCoV mula sa nasabing barko na nakadaong sa Yokohama, Japan.
Sa pahayag ng shipping company, matapos magpositibo ay agad sinunod ang ipinatutupad na disembarkation protocols ng Japan Ministry of Health at dinala sa ospital ang 66.
Sinabi rin ng kumpanya na maaring madagdagan pa ang bilang ng mga magpopositibo sa nCoV sa susunod na mga araw hangga’t hindi natatapos ang quarantine period.
Sa February 19 inaasahang matatapos ang quarantine period sa lahat ng sakay ng naturang barko.