87 volcanic earthquake naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas 24 na oras

FILE PHOTO
Nakapagtala ng 87 volcanic earthquake sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa 8AM Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, pawang mahihina lamang ang naitalang pagyanig pero indikasyon pa rin ito ng patuloy na magmatic activity sa loob ng Taal.

Sa nakalipas na 24 na oras ay may naobserbahang mahinang pagbubuga ng steam-laden plumes mula sa crater ng Bulkang Taal na ang taas ay 50 hanggang 100 meters.

Nasukat naman ang inilabas na Sulfur dioxide ng Taal na umabot sa 105 tonnes/day ang average.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Taal Volcano at ayon sa Phivolcs ay possible pa rin ang pagkakaroon ng mahinang phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall, at lethal volcanic gas expulsions.

Inirerekomenda pa rin ng Phivolcs ang pagbabawal na mapasok ang Taal Volcano Island at ang palibot ng Taal Lake at maging ang sakop ng 7 km radius mula sa main crater.

Read more...