Water level ng Angat dam nadagdagan pa sa nakalipas na magdamag

Nadagdagan sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa upadate ng PAGASA Hydrology alas 6:00 ng umaga ng Martes (Feb. 11) ay 203.14 meters ang water level ng dam.

Mas mataas kumpara sa 203.03 meters na antas ng tubig nito kahapon.

Kapwa naman nabawasan ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam na nasa 100.17 meters at 77.75 meters.

Nabawasan din ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

Habang nadagdagan naman ang water level ng Ambuklao at Binga dams.

Read more...