Chinese Pres. Xi Jinping bumisita sa mga pasyente ng nCoV sa Beijing

Bumisita si Chinese President Xi Jinping sa mga pasyente na apektado ng 2019 novel coronavirus sa Anhuali Community sa Beijing.

Nakasuot ng surgical face masks si Xi nang bisitahin ang mga pasyente at medical workers.

Nagsuot din ito ng surgical gown nang kausapin ang mga doktor sa Beijing Ditan hospital.

Ngayon lamang nagpakita sa publiko si Xi simula nang magkaroon ng outbreak ng novel coronavirus sa China.

Itinalaga na ni Xi si Chinese Premier Li Keqiang para pamunuan ang grupo na tututok sa outbreak.

Noong nakaraang buwan ay binisita na ni Li ang ground zero ng Wuhan.

Read more...