Base sa resolusyon ng Comelec, sa March 10, 2016 na lamang ilalabas ang Certified List of Voters sa halip na February 9, 2016 na naunang schedule.
Sinabi ng Comelec na hindi nakumpleto ang pagbili sa mga suplay para sa pag-iimprenta kaya kukulangin ang actual printing ng certified list of voters bago ang orihinal na petsa ng pagpapalabas.
Ilalabas ng Comelec ang listahan sa pamamagitan ng kanilang website kung saan magagawang makumpirma ng mga botante kung kasama ang kanilang pangalan sa opisyal na listahan ng mga makakaboto sa May 9, 2016 National and Local Elections.
Sa ilalim ng Section 28 ng Republic Act 8436, may kapangyarihan ang Comelec na magbago ng petsa ng ilang pre-election acts para matiyak na hindi mapagkakaitan ang mga botante ng kanilang karapatang makaboto.