4 kabilang ang isang babae arestado dahil sa droga sa Quezon City

Timbog ang tatlong lalaki at isang babae dahil sa ilegal na droga sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City.

Unang naaresto ngmga otoridad si alyas Michael na dating nakulong dahil sa pagnanakaw ng cellphone matapos damputin ng pulis habang nakikipag-inuman at makuhanan ng shabu.

Nakumpiska ang 10 gramo ng shabu kay alyas Michael na itrinanggi naman na kanya ang mga iyon at hindi umano siya nagbebenta.

Sumunod na naaresto ang isang babae na nag-aapply sanang makapag-abroad bilang domestic helper sa Saudi Arabia dahil din sa droga sa isang fastfood chain sa Luzon Avenue sa Old Balara.

Nakilala ang naarestong suspek sa alyas Saiya mula sa Zamboanga.

Ayon kay alyas Saiya may nag-utos lamang siya para kumita at may pangkain sana.

Samantala dalawang lalaki naman na mamamalengke lamang umano sa Q-Mart ang naaresto matapos makuhanan ng 18 sachet ng shabu sa Cubao.

Ayon kay Kapitan Marciano Buena Agua ng Barangay E. Rodriguez ay hindi nila residente ang dalawang naaresto.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang apat na naarestong drug suspect.

Read more...