Dahil sa amihan, makulimlim na panahon na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa northern at eastern section ng bansa.
Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, maulap na papawirin ang iiral na may mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Visayas, Caraga, Davao Region at mga lalawigan ng Aurora at Quezon.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang papawirin na may isolated na mahihinang pag-ulan.
Dahil sa malakas na hangin na dala ng amihan, nakataas ang gale warning sa northern at eastern section ng bansa kaya ipinagbabawal ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.