2 magkapatid na Russian, patay sa aksidente sa Thailand

Patay ang dalawang magkapatid ng Russian national sa naganap na aksidente sa Phuket, Thailand araw ng Lunes.

Batay sa ulat, isang 12-anyos at anim na taong gulang ang mga biktima ng banggaan ng dalawang bangka 100 metro
lamang ang layo sa pier.

Sinabi ng mga opisyal ng Phuket na mabilis ang takbo ng dalawang bangka dahilan para maaksidente ang mga ito.

Samantala, 21 iba pang Russian ang nasugatan sa aksidente kung saan dalawa ang kritikal ang kondisyon.

Read more...