PAL, pinalawig ang kanselasyon ng mga biyahe sa China, Hong Kong at Macau hanggang March 28

Pinalawig pa ng Philippine Airlines (PAL) ang kanselasyon ng mga biyahe sa pagitan ng Maynila at China kabilang ang Beijing, Hong Kong, Guangzhou, Shanghai, Xiamen, Quanzhou (Jinjiang), at Macau.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng airline company na pinalawig ang travel restrictions hanggang March 28 para maiwasan ang pagkalat ng 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Sinabi ng PAL na kabilang din ang kanilang Filipino flight at cabin crew members sa travel ban kung kayat hindi rin makakapag-operate ng biyahe sa mga nasabing lugar.

Ayon sa PAL, hindi pa tiyak ang panunumbalik ng kanilang mga flight sa March 28.

Depende pa anila ito kung gaano katagal ipatutupad ang travel ban.

Oras na alisin ang travel ban, sinabi ng PAL na maari nang makapagpa-rebook, reroute o refund ang ticket ng mga pasahero.

Humingi naman ng pang-unawa ang airline company sa mga apektadong pasahero.

Read more...