Abiso ukol sa kanselasyon o revocation ng tourist visas at suspensyon ng visa applications, hindi totoo – U.S. Embassy

Itinanggi ng Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas ang kumalat na abiso ukol sa kanselasyon o revocation ng tourist visas at suspensyon ng visa applications.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng embahada na walang nabago sa U.S. visa policy sa bansa.

Hinikayat ng embahada ang publiko na agad i-report ang mga visa and passport fraud.

Maaari anilang makakuha ng tama at kumpletong impormasyon sa official website ng embahada na https://ph.usembassy.gov/ o sa kanilang social media accounts.

Read more...