House Committee on Legislative Franchises Rep. Franz Alvarez, pinagbibitiw sa puwesto ni Rep. Atienza

Pinagbibitiw sa puwesto ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza si House Committee on Legislative Franchises at Palawan
Rep. Franz Alvarez dahil sa ginagawa nitong pag-upo sa pagdinig sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa kanyang privilege speech sa plenaryo ng Kamara, binigyang diin ni Atienza na trabaho ni Alvarez bilang chairman ng
komite na aksyunan ang mga nakabinbing panukalang batas sa komite nito maliit man o malaki.

Hanggang ngayon anya ay wala pa ring aksyon sa 11 panukala para ma-renew ang prangkisa ng giant broadcast station.

Hindi anya dapat hinayaan pa ni Alvarez na manghimasok si Solicitor General Jose Calida sa isyu ng ABS-CBN dahil
ang hindi pagkilos dito ay magbibigay lamang ng masamang mukha para sa Kongreso.

Nanawagan si Atienza sa liderato ng Mababang Kapulungan na itaas ang integridad ng Kamara at protektahan ang
national interest ng buong bansa.

Tinukoy pa ng mambabatas na dapat isaalang-alang ng Kamara ang 14,000 artists, talents, at mga empleyadong mawawalan ng trabaho kapag hindi na na-renew ang kanilang prangkisa.

Read more...