Sa “Laging Handa” press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Labor secretary Silvestre Bello III na P400 milyon ang nakahanda para sa reintegration program.
Nakalaan aniya ito para sa 3,500 OFWs na posibleng umuwi ng bansa dahil sa coronavirus.
Tig-P20,000 ang matatanggap ng pamilya sa mga umuwing OFW at livelihood package program.
Tig-P10,000 naman ang matatanggap ng mga OFW na hindi pa makababalik sa kanilang trabaho sa China, Macau at Hong Kong dahil sa ipinatutupad na travel ban.
Hindi aniya utang ang pinansyal na ayuda sa mga OFW kundi bigay ng gobyerno.
Sinabi pa ni Bello na maari ring umutang ang mga OFW ng hanggang P1 milyon at walang interes para naman sa mga gustong mag-negosyo.