Mga Filipino mula sa Wuhan City, China hindi nakitaan ng sintomas ng nCoV

Hindi nakitaan ng sintomas ng 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD) ang mga Filipino na
nanggaling sa Wuhan City sa Hubei province, China.

Sa press conference, sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na nasa 32 Filipino ang napauwi ng Pilipinas sa
tulong ng team ng Department of Foreign Affairs (DFA) at DOH.

Wala aniyang lagnat o anumang respiratory syndrome na nakita sa mga Filipino.

Ikinokonsidera aniya ang 32 Filipino bilang ‘persons under monitoring.’

Sa ngayon, nasa 49 katao ang naka-quarantine sa New Clark City, Tarlac kabilang ang repatriation team at crew
members ng sinakyang eroplano ng mga Filipino.

Read more...