Taiwan, kabilang sa ipinatupad ng temporary travel ban kasunod ng banta sa nCoV

Photo grab from DOH’s Facebook live video

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na kabilang ang Taiwan sa ipinatupad na temporary travel ban kasunod ng banta sa 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Ito ay makaraang magkaroon ng kalituhan sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of
Emerging Infectious Diseases kung kabilang sa travel ban ang Taiwan.

Sa isang press conference, sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na kabilang ang Taiwan dahil base sinusunod
na polisiya ng World Health Organization (WHO), bahagi ng China ang Taiwan.

Aniya, nitong nagdaang weekend, full implementation na ang travel ban sa Taiwan.

Ani Domingo, magpupulong muli ang task force para talakayin ang iba pang usapin ukol sa travel ban.

Read more...