Pagdinig sa prangkisa ng ABS-CBN, dapat ituloy sa kabila ng quo warranto ng OSG

Magiging moot and academic na sa mga sususnod na linggo ang quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court laban sa prangkisa ng broadcast giant na ABS-CBN.

Ayon kay Agusan del Norte 1st District Rep. Lawrence Fortun, isa sa may-akda sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN franchises, hindi dapat gawing dahilan ng House Committee on Legislative Franchises ang quo warranto petition ng OSG upang dinggin ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sabi ni Fortun, posibleng hindi dinggin ng komite ang mga panukala para sa muling pagpapalawig ng prangkisa ng Lopez-led corporation dahil sa nakabinbing petisyon sa korte.

Sa oras anya na resolbahin ng Supreme Court ang petisyon matapos makapagsumite ng mga sagot ang bawat panig ay expired na ang prangkisa ng network.

Kapag nangyari ito ay walang nang prangkisa na kailangang i-revoke.

Para naman kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., hindi maaring hadlangan ng quo warranto petition na inihain ng Office of the Solicitor General ang pagdinig ng House Committee on Legislative franchise ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi ni Garbin na maaring ituloy ng komite ang pagtanggap sa mga kinakailangang dokumento ng ABS-CBN upang patunayan na kwalipikado para muling bigyan ng prangkisa.

Iginiit din nito na ang House Commitee on Legislative Franchise ang mga hurisdiksyon sa lahat ng bagay may kaugnayan sa pagbibigay, amyenda, extension o pagpapawalang-bisa sa prangkisa ng network.

Read more...