WATCH: Pangulong Duterte, hindi na kailangang komunsulta sa Gabinete sa pagbasura sa VFA

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Hindi na kailangan ni Pangulong Rodrigo Duterte na konsultahin pa ang kanyang Gabinete kaugnay sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, magaling na abogado si Pangulong Duterte at matagal nang pinag-aralan ang sitwasyon bago nagdesisyon na ibasura ang VFA.

“Diba sabi niya ‘pinag-aralan ko ‘yan matagal na’. Nag-uumpisa pa lang sila pinag-aaralan ko na ang gagawin ko. Di ba sinabi niya yan sa kanyang speech. When they started demanding the relese of Sen. De Lima, nag-react na ako dun. Nag-iisip na ko kung anong gagawin ko tapos nagsunud-sunod pa yung ano nila ang feeling niya you’re insulting our sovereignty,” ayon kay Panelo.

Saka lamang aniya kokonsulta ang pangulo sa kanyang Gabinete kung may mga usapin sa bansa na hindi siya sigurado.

“The President is the chief architect, hindi siya kailangang mag-consult. Magaling na Presidente, magaling na abogado pa. Kung meron siyang doubts on certain areas siguro that’s the time he will consult,” ani Panelo.

Ayon kay Panelo, bilang Chief Presidential Legal Counsel, suportado ng Gabinete ang desisyon ni Pangulong Duterte.

“Yeah. It is. And we support him, fully,” dagdag pa nito.

Una nang sinabi nina Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi sila kinonsulta ni Pangulong Duterte nang magpasyang tuldukan na ang VFA.

Narito ang ulat ni Chona Yu:

Read more...