Unang kumpirmadong kaso ng nCoV, nakalabas na ng ospital – DOH

Photo grab from DOH’s Facebook live video

Nakalabas na ng ospital ang unang kumpirmadong kaso ng 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD), ayon sa Department of Health (DOH).

Sa press conference, sinabi ni DOH Undersecretary Eric Domingo na inilabas ng ospital ang pasyente noong araw ng Sabado, February 9.

Ito ay matapos aniyang dalawang beses magnegatibo sa isinagawang pagsusuri ang pasyente.

Samantala, ayon pa sa DOH, hanggang 12:00 ng tanghali, nasa 262 ang persons under investigation (PUI) at 48 ang nakalabas na ng ospital ngunit patuloy pa ring tinututukan.

Read more...