Mga tauhan ng Immigration na sumampa sa limang barko mula China, naka-home quarantine na

Isinailalim na sa home quarantine ang 19 na tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na sumampa sa mga barko na may
sakay na pasaherong may travel history sa China at mga Special Administrative Regions nito.

Ayon sa BI, bahagi ito ng preventive measures ng kawanihan sa gitna na rin ng banta ng 2019 Novel Coronavirus Acute
Respiratory Disease (2019-nCoV ARD).

Ayon sa BI, ang naturang 19 na Immigration personnel ay nauna nang sumampa sa limang magkakaibang cruise ships
na may sakay na mga pasahero mula China, Hong Kong, at Macau sa nakalipas na 14 na araw at dumating sa bansa
nitong Enero

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, hindi naman nagpakita ng sintomas ng nCoV ang nasabing mga
Immigration personnel gayundin ang mga pasahero ng cruise ship na kanilang ininspeksyon.

Sinabi ng BI na nasuri na rin ng mga tauhan ng Bureau of Quarantine ang kanilang mga personnel.

Tiniyak ng Immigration na walang dapat na ikabahala ang 19 nilang mga tauhan at kanilang mga pamilya sa
pagsasailalim sa kanila sa home quarantine dahil bahagi lamang ito ng kanilang pagtiyak na ligtas ang lahat at
ng ipinatutupad na preventive measures ng BI.

Read more...