Sarangani, Davao Occidental niyanig ng lindol

Yumanig ang magnitude 3.3 na lindol sa Davao Occidental, Lunes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa 153 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 1:00 ng hapon.

130 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.

Gayunman, walang naitalang pinsala sa lugar.

Tiniyak din ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...