Panukala para pondohan ang rice subsidy sa 4Ps pasado na sa komite sa Kamara

Aprubado na sa House Committee on Appropriations ang panukala upang pondohan ang rice subsidy ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

Sa ilalim ng panukala, sa halip na P600 na cash ang ipapamahagi sa mga 4Ps beneficiaries ay bibigyan ang mga ito ng 20 kilo o tig- kalahating sakong bigas na ang ibibigay sa kanila.

Base sa datos ng DSWD mayroon pang, P2.27 Billion na pondo mula sa 2019 budget ang kanilang maaaring gamitin para sa pagpapatupad nito.

Bukod pa ito sa pondo na naka-appropriate na sa 2020 General Appropriations Act.

Nilinaw ng DSWD na hindi nationwide ang pagpapatupad ng naturang programa kundi tutukoy lamang sila ng 40 probinsya na magiging pilot project.

Ang mga probinsyang ito ang mga may pinakamahihirap na 4Ps beneficiaries na tinatayang aabot naman sa 3.9 Million.

Pinatitiyak naman ni Committee on Appropriations Chairman Isidro Ungab na agad itong maipapatupad ng ahensya at magiging maayos ang distribusyon ng naturang mga rice subsidy.

Read more...