BLBAR, hindi na isasama sa order of business ng Kamara

session inq fileHindi na ikakalendaryo sa plenaryo ng liderato ng kamara ang Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region o BLBAR.

Kinausap na ni House Majority Leader Neptali Gonzales II si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. para hindi hindi na isama ang BLBAR sa order of business ngayong Lunes hanggang sa huling araw ng sesyon.

Paliwanag ni Gonzales, marami pang panukalang batas ang nakabitin sa plenaryo para sa ikatlo at huling pagbasa.

Ani Gonzales, kapag nagka-quorum, uunahin muna ang 2nd and 3rd reading approvals upang hindi masayang ang attendance ng mga mambabatas.

Pangamba rin ng majority leader, kapag inuna ang BBL kung nagka-quorum ay mag-aalisan ang mga kongresista.

Nauna nang inamin ni House Speaker Belmonte na imposible nang mapagtibay sa 16th Congress ang BLBAR, habang may ilang kongresista na rin ang nagsabing patay na ang panukala.

Ito, ani Gonzales, ang rason kung bakit tinantya niya kung nararapat pa bang maisalang ang BLBAR sa House plenary.

Ang panukala, na dating tinatawag na Bangsamoro Basic Law o BBL, ay nasa turno el contra pa rin sa plenaryo ng mababang kapulungan, habang sa senado ay nasa committee level pa rin.

Read more...