Umabot na sa 71 ang nasawi sa serye ng pambobomba ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Damascus, Syria.
Ang serye ng pagpapasabog ay naganap sa Shiite shrine na mataong lugar sa Damascus.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights, kabilang sa mga nasawi ang limang bata.
Ayon sa nasabing monitoring group, ang unang pag-atake ay gumamit ng suicide car bomb habang sumunod ay gumamit naman ng suicide bomber na nagpasabog ng kaniyang explosive belt sa kalagitnaan ng maraming taon.
Napinsala din sa nasabing pagpapasabog ang mga kalapit na gusali.
Matapos ang serye ng pagpapasabog, nagpalabas ng pahayag ang ISIS at sinabi sila ang nasa likod ng pag-atake.
Agad namang kinondena at tinawag na kaduwagan ni Syrian Prime Minister Wael al-Halqi ang krimen.
Paliwanag nito, ginagawa lamang ng mga terrorista ang pambobomba upang itaas ang kanilang morale dahil batid nilang natatalo na ang kanilang hanay sa Syria.