77 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa magdamag

FILE PHOTO

Nakapagtala pa rin ng mahihinang pagbubuga ng steam-laden plumes sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa 8AM Taal Voclano Bulletin na inilabas ng Phivolcs, sa nakalipas na 24 na oras ay umabot sa 20 hanggang 50 meters ang taas ng usok na ibinuga ng bulkan.

Muli ring nagbuga ng Sulfur dioxide (SO2) ang bulkan na nasukat ng aabot sa 116 tonnes/day.

Sa magdamag ay nakapagtala ng 77 mahihinang volcanic earthquakes.

Ayon sa PAGASA, indikasyon ito ng pagkakaroon pa rin ng magmatic activity sa loob ng Taal.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Taal Volcano at ayon sa Phivolcs, maari pa ring magkaroon ng mahinang phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall, at lethal volcanic gas expulsions.

Read more...