Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Department of Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes, para maiwasan na ang paglaganap ng ASF, kakatayin lahat ng 2,500 na baboy sa barangay Dominga at Lamanan nan sakop ng Calinan District.
Ang dalawang barangay ay una nang isinailalim sa state of calamity.
Nakasailalim na rin sa quarantine ang Dominga at Lamanan.
Pinaghihinalaan na sa isang livestock auction market sa Sulop, Davao del Sur nakuha ang ASF na nakapasok sa Davao City.
Samantala, maliban sa P5,000 kada baboy na ibibigay ng DA sa mga hog raiser ay magbibigay din si Davao City Mayor Sara Duterte ng P5,000 pa.
Dahil dito, P10,000 ang tatanggapin ng hog raisers sa bawat alagang baboy nila na kailangang katayin.