11 degrees Celsius naitala sa Baguio City ngayong umaga

Nakapagtala muli ng may kalamigang temperatura sa Baguio City ngayong Lunes (Feb. 10) ng umaga.

Ayon sa PAGASA Synoptic Station ng Baguio City, 11.0 degrees Celsius ang minimum na temperatura na naitala sa lungsod alas 5:00 ng umaga.

Bumalik ang lamig sa lungsod, dahil noong Linggo 15.8 degrees Celsius na ang naitalang temperatura at 16.8 degrees Celsius naman noong Sabado.

Ngayong taon, 10.6 degrees Celsius ang naitalang pinakamababang temperatura sa Baguio City noong February 1, 2020.

Read more...