Yellow rainfall warning nakataas sa Central Cebu at Northern Bohol

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa lalawigan ng Cebu ilang bahagi ng Visayas.

Sa 8AM rainfall warning ng PAGASA, yellow warning ang nakataas sa Central Cebu at sa Northern portion ng Bohol.

Nakararanas kasi ng malakas na pag-ulan ang nasabing mga lugar dahil sa amihan.

Ayon sa PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar ay maaring makaranas ng pagbaha.

Habang maari ding magkaroon ng landslides sa bulubunduking lugar.

Pinapayuhan ang mga residente at local disaster risk reduction and management council na mag-antabay sa mga susunod na abiso na ilalabas ng PAGASA.

Read more...