Lalaki patay, matapos tumalon mula sa itaas ng simbahan sa Mandaluyong

photo from wikimapia
photo from wikimapia

Patay ang isang hindi pa nakilalang lalaki matapos tumalon mula sa tuktok ng simabahan ng San Felipe Neri sa Barangay Poblacion, Mandaluyong City.

Ayon kay Nestor Babon, gwardya mg simbahan, alas 4:00 ng umaga kanina, (Lunes) nang makarinig siya ng kalabog, at nang buksan niya ang pintuan ng simbahan ay bumungad sa kanya ang nakahandusay na lalaki.

Nakasuot ng kulay asul na T-shirt at navy blue na shorts ang lalaki at tinatayang nasa edad 30 hanggang 35 at kayumanggi ang kulay.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakaakyat ang lalaki sa pamamagitan ng hagdan sa gilid ng simbahan hanggang sa makarating sa tuktok.

Inaalam na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng nasabing lalaki.

Read more...