Bilang ng nasawi sa 2019-nCoV umakyat na sa 909

Umakyat na sa 909 ang bilang ng nasawi sa 2019-novel coronavirus.

Ayon sa ulat ng Chinese state media, sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ng 96 na nasawi sa China partikular sa Hubei Province.

Dahil dito, umakyat na sa 907 ang death toll sa China, habang mayroong tig-isang nasawi sa Pilipinas at Hong Kong.

Sa magdamag ay nakapagtala ng 3,073 na panibagong bilang ng kaso.

Ang Japan ay nakapagtala na ng 96 na bilang ng kaso ng sakit, ang Singapore ay mayroong 43 kaso, ang Hong Kong ay mayroong 36 na kaso habang ang Thailand ay mayroong 32 na kaso.

Read more...