#WALANGPASOK: Klase sa lahat ng antas sa Tacloban City sinuspinde dahil sa sama ng panahon

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa Tacloban City ngayong araw ng Lunes, February 10.

Sa abiso ng Tacloban City Public Information Office, walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Ito ay dahil sa inaasahang sama ng panahon na maidudulot amihan sa Eastern Visayas.

Base sa weather forecast ng PAGASA, kalat-kalat na pag-ulan ang aasahan ngayong araw sa buong Eastern Visayas at Caraga dahil sa amihan.

Read more...