Amihan magpapaulan sa Eastern Visayas at Caraga

Apektado pa rin ng amihan ang buong bansa.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA, dahil sa amihan, makararanas ngayong araw ng kalat-kalat na pag-ulan ang Eastern Visayas at Caraga Region.

Maaring magdulot ng flashflood o landslides ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.

Maulap na papawirin din ang iiral na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, the rest of Visayas, Aurora, Quezon, Marinduque, Romblon, at Oriental Mindoro.

Samantala, sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, makararanas lamang ng bahagyang maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan.

Read more...