Sundalo nag-amok at namaril sa Thailand, 29 ang patay

Isang sundalo ang nag-amok at namaril sa isang shopping mall sa Thailand.

Dalawampu’t siyam na katao ang nasawi habang napatay din ng mga rumespondeng otoridad ang suspek na isang junior army officer.

Umabot sa 17 oras ang standoff matapos magkulong sa basement ng shopping center ang suspek bago siya tuluyang napatay ng mga otoridad.

Nag-livestream pa sa Facebook ang shooter at saka kumuha ng ilang hostages.

Maliban sa 29 na nasawi, umabot sa 58 ang nasugatan.

Ayon sa commander ng 2nd Army Region ng Thailand, ang suspek ay nakilalang si Jakrapanth Thomma, 32 anyos at isang sergeant sa Thai Military.

Hindi pa alam kung ano ang dahilan ng pag-aamok ng suspek.

Read more...