20 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Tondo, Maynila

Dalawampung pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na naganap sa Capulong, Tondo, Maynila.

Tinupok ng apoy ang aabot sa 10 mga bahay residential area sa ilalim ng tulay sa Capulong.

Ayon sa mga residente, alas 9:00 ng gabi nang sumiklab ang apoy.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog na agad ding naapula makalipas ang mahigit isang oras.

Pansamantala at sa covered court ng barangay nagpalipas ng gabi ang mga nasunugan.

Read more...