Bodega ng plastic tinupok ng apoy sa Valenzuela

Nasunog ang isang bodega ng plastic sa M. Antonio Street sa Maysan, Valenzuela City, Linggo (February 9).

Ayon sa Bureau of Fire Protection, tatlong oras ang itinagal ng sunog at naapula bandang alas-4 ng hapon.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog kung saan isang lalaki ang nawalan ng malay dahil sa usok ng sunog.

Agad namang nilapatan ng lunas ang lalaki na nawalan ng malay.

Patuloy ang imbestigasyon para malaman ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala.

Read more...