Unang naitala ang magnitude 3.5 na lindol sa 162 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani, alas 12:10 ng madaling araw ng Lunes ( February 10 ).
Ayon sa Phivolcs, may lalim na 18 kilometers ang pagyanig.
Samantala, magnitude 3.1 na lindol naman ang sumunod na naitala sa 158 Kilometers Southeast ng bayan pa rin ng Sarangani, alas-12:22 madaling araw at may lalim na 92 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
READ NEXT
Bilang ng infected ng nCoV sa cruise ship sa Japan umakyat na sa 70; 4 na Pinoy kabilang sa nagpositibo
MOST READ
LATEST STORIES