DILG tiniyak ang kaligtasan ng mga residente ng Capas, Tarlac

Inquirer file photo

Tiniyak ni DILG secretary Eduardo Año na loftas ang mga residente ng Capas, Tarlac mula sa 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Ito ay kasunod ng pagtatalaga ng quarantine facility.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kalihim na hindi naman makikita ng mga residente ang mga overseas Filipino worker (OFW) na dadalhin sa Athletes’ Village.

Giit pa ni Año, mga Filipino rin ang dadalhin sa nasabing quarantine facility kayat kailangan nito ng tulong at pang-unawa.

Ito aniya ang panahon para magtulung-tulong.

Dagdag pa ni Año, hindi kabilang sa 14-day mandatory quarantine ang mga Filipino na makikitaan ng sintomas at dadalhin agad ito aa ospital.

Dinala ang unang batch, kabilang ang 30 Filipino, sa Athletes’ Village pagkadating ng bansa galing sa Wuhan City kung saan ang episentro ng virus.

Read more...