Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ang mga mataas na opisyal mula sa kampo ni Trump ang maaring gumawa ng hakbang para makausap ang Pangulo.
“Hindi si Presidente ang nag-initiate, pwedeng ‘yung mga top adviser ni President Trump. Tandaan mo, ang magre-react ‘yung kabila kasi tayo ang nag-aabrogate,” ani Panelo.
Una rito, sinabi ni Panelo na mag-uusap sina Pangulong Duterte at Trump patungkol sa Visiting Forces Agreement (VFA) at iba pang ng paksa.
Ipinag-utos na rin ni Pangulong Duterte kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na padalhan na ng notice ang Amerika na ibinabasura na ng bansa nag VFA.
Ayon kay Panelo, ang kampo ni Trump ang kinakailangan na tumugon sa hakbang ni Pangulong Duterte.