Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na nakahanda ang Department of Health (DOH) sakaling magkaroon na ng community transmission ng 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD) sa bansa.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na may sagot na ang pamahalaan sakaling magkaroon ng kaso ng community transmission.
“Lahat ‘yan meron ng ano di ba, lahat pinaghandaan na ‘yan. Whatever development may mangyari, may sagot na tayo,” ayon kay Panelo.
Sa pinakahuling tala ng DOH, umabot na sa 267 katao ang minomonitor ng kanilang hanay na posibleng tinamaan ng coronavirus.
Ayon kay Panelo, matagal nang handa ang pamahalaan.
“Ready na ang DOH niyan,” dagdag pa nito.
Matatandaang dumating na sa New Clark City sa Tarlac ang 30 Filipino mula Hubei province kung saan nagsimula ang coronavirus.