Sa volcano bulletin bandang 8:00 ng umaga, sinabi ng Phivolcs na kabilang dito ang dalawang low-frequency events at limang harmonic tremors na tumagal nang isa hanggang apat na minuto.
Patuloy pa ring nagbubuga ang bulkan ng puting usok na may taas na 200 hanggang 300 metro.
Mayroon ding weak steaming mula sa fissure vents sa bahagi ng Daang Kastila trail na may taas na 10 hanggang 20 metro.
Ayon pa sa Phivolcs, naglalabas pa rin ang bulkan ng sulfur dioxide emission 116 tonnes kada araw.
Dahil dito, nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.
Inirerekomenda pa rin ng Phivolcs ang pagbabawal na makapasok sa Taal Volcano Island, sa mga lugar malapit sa Taal Lake at komunidad sa Kanlurang bahagi ng isla 7-kilometer raduis mula sa Main Crater.