Antas ng tubig sa Angat Dam, nadagdagan sa magdamag

Bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24 oras.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division bandang 6:00 ng umaga, umabot na sa 202.78 meters ang water level ng Angat Dam.

Mas mataas ito kumpara sa 202.20 meters na naitala noong Sabado, February 8.

Tumaas din ang lebel ng tubig sa Ipo, Ambuklao, Binga at Caliraya Dams.

Nanatili naman sa 77.77 meters ang antas ng tubig sa La Mesa Dam sa magdamag.

Samantala, nabawasan ang antas ng tubig sa San Roque, Pantabangan at Magat Dams.

Read more...