Ito ay kasunod ng ipinatutupad na travel ban bunsod ng 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).
Ayon kay Grifton Medina, pinuno ng BI port operations division, hindi pinayagang makapasok ang mga pasaherong Chinese sa NAIA Terminal 1 lulan ng Philippine Airlines flight mula sa Phnom Penh, Cambodia.
Sa isinagawang inspeksyon, napag-alaman aniya ng mga opisyal ng ahensya na bumiyahe ang grupo sa Macau noong February 1.
Ani Medina, dinala ang 36 dayuhan sa Bureau of Quarantine para sa inspeksyon at pinabalik sa Phnom Penh.
Muli namang umapela si BI commissioner Jaime Morente sa mga airline at shipping company na makipagtulungan sa pagpapatupad ng travel ban.
Samantala, sinabi ng BI na kapwa mga dayuhan at Filipinong pasahero ay kinakailangan nang mag-fill out at pagsumite ng arrival cards habang sumasailalim sa immigration arrival formalities.
Magsasagawa na rin ng masusing screening application ang Immigration Regulation Division ng BI para sa pagpapalawig ng pananatili ng mga dayuhan sa bansa upang matukoy kung sila ay nagtungo sa China, Hongkong at Macau 14 araw bago dumating sa Pilipinas.
“We have developed a series of checking, double-checking, even triple checking to ensure that we assist our health
authorities in monitoring the travelers. We do what we can to help prevent the spread of this virus,” dagdag ni Morente.