Isang Filipino sa UAE, nagpositibo sa nCoV

Kinumpirma ng pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE) na nagpositibo ang isang Filipino sa 2019-novel coronavirus (2019-nCoV).

Batay sa ulat ng Emirates News Agency, inaunsiyo ng UAE Ministry of Health and Prevention (MoHAP) na isang Chinese at isang Filipino ang dalawang bagong kaso ng coronavirus sa bansa.

Dahil dito, umabot na sa pito ang kabuuang bilang ng kaso ng nCoV sa UAE.

Ayon sa MoHAP, patuloy pa ring inoobserbahan ang dalawa at binibigyan ng kinakailangang atensyong medikal.

Dagdag pa ng MoHAP, patuloy din ang pagbibigay ng ulat ng lahat ng health facilities hinggil sa mga hinihinalang kaso ng nasabing sakit.

Tiniyak din ng MoHAP ang pakikipag-ugnayan sa lahat ng departamento sa bansa para masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa UAE.

Read more...