Makararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Mindanao.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:56 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigay na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin bunsod ng thunderstorms sa Bukidnon, Lanao del Norte, North Cotabato at Zamboanga City.
Sinabi ng weather bureau na iiral ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na isang oras.
Kaparehong lagay ng panahon ang mararanasan sa Jose Abad Santos, DavaoOccidental; Sirawai at Kalawit sa Zamboanga del Norte; ZamboangaSibugay; Aurora, Bonifacio, Dumingag, Molave, Sominot, Ramon Magsaysay, Midsalip at Labangan sa Zamboanga del Sur; Basilan; at Sulu.
Posible anilang ulanin ang mga nabanggit na lugar sa susunod na isa hanggang dalawang oras.
Dahil dito, inabisuhan ng PAGASA ang mga residente sa nasabing lugar na maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.