Burauen, Leyte nilindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang Burauen, Leyte Sabado ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa 13 kilometers Northwest ng Burauen bandang 1:13 ng hapon.

May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang dahilan.

Bunsod nito, naitala ang instrumental intensity 2 sa Ormoc City.

Sinabi ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks at pinsala matapos ang pagyanig.

Read more...