Bilang ng nagpositibo sa nCoV sa cruise ship na nakadaong sa Japan, umabot na sa 64

Umakyat na sa 64 ang bilang ng mga pasahero ng cruise ship na Diamond Princess ang nagpositibo sa 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD) matapos may tatlong bagong kasong naitala.

Dinala naman na sa ospital ang tatlong nagposotibo ngunit isa sa kanila ay nasa seryosong kondisyon.

Marami sa sakay ng cruise ship ay may edad na kung kayat mataas ang tyansa na magkaroon ng kumplikasyon mula sa virus.

Ang test ay isinasagawa sa mga pasaherong may sintomas at nagkaroon ng close contact sa mga nagpositibo.

Mayroong mahigit na 3,700 pasahero ang cruise ship kung saan 280 na dito ang sumailalim sa test.

Sa ngayon ay umabot na sa 722 ang nasawi dahil sa nCoV.

Read more...