DFA nagpadala ng relief goods sa mga stranded na Filipino sa Wuhan City

Nagpadala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng relief goods sa mga stranded na Filipino sa Wuhan City, China bunsod ng 2019-novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCov ARD).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na nakipag-ugnayan sina Mark Anthony Geguera at Sanny Darren Bejarin mula sa Philippine Consulate General sa Shanghai sa mga volunteer members ng Filipino community para sa relief operations.

Pumasok ang on-site repatriation team ng DFA sa ground zero ng nCoV outbreak para talakayin sa mga otoridad sa China ang planong pag-repatriate ng mga Filipino sa nasabing lugar.

Kumuha ang team ng DFA ng isang sasakyan para bisitahin ang mga lugar na mayroong nakatirang Filipno at iniabot ang ilang pagkain at pangangailangan.

Sa pag-iikot ng team, sinabi ng DFA na nasa kabuuang 56 katao ang nagkumpirma na makikiisa sa repatriation.

Read more...