Kiblawan, Davao Del Sur niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Davao Del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 4 kilometers Southeast ng bayan ng Kiblawan bandang 10:04, Sabado ng umaga (February 8).

Naitala ang intensity 3 sa Hagonoy, Davao del Sur.

May lalim na 5 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...