Ito ay base sa ginawang survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa nasabing survey, umaabot sa 71 porsyento ng mga respondent ang nagsabing pabor sila sa paglimita sa paggamit
ng plastic containers dahil na rin sa lumalalang isyu ng global plastic pollution.
Ayon sa naturang survey na pinangunahan ng Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA), gusto ng karamihan sa
mga Filipino ang tamag regulasyon sa paggamit ng sando bags na may 71-percent approval.
Sinundan ito ng plastic straws at stirrers (66%), plastic labo bags (65%), styrofoam o polystyrene food containers (64%),
sachets (60%), doy pack para sa juices (59%), plastic drinking cups (56%), cutlery tulad ng plastic na kutsara at tinidor
(54%), plastic bottles para sa juice (49%), and plastic bottles para sa inuming tubig (41%).
Samantala, pito naman sa bawat sampung Filipino ang pabor na bumili ng suka, toyo, patis at iba pang condiments na
nakalagay sa plastic refillable containers kumpara sa mga sachet.
Magugunitang noong nakalipas na taon ay inilunsad ng condiments maker na NutriAsia Inc. ang kampanyang “Bring
Your Own Bottle.”
Layunin nito na hikayatin ang mga consumer na gumamit ng mga refillable na lalagyan sa halip na gumamit ng mga
plastic container para mabawasan ang basura sa kapaligiran.
Umaasa naman si Froilan Grate, executive director ng GAIA Asia-Pacific, na ang nasabing survey ay pagpapakita lamang
na suportado ng publiko ang kampanya ng pamahalaan na maisaayos ang ating kapaligiran.
“They are willing to sacrifice convenience and are already looking into refill options and other alternative systems. They
expect our government leaders to address the plastic pollution crisis and go beyond lip service by banning single-use
plastics in the whole country,” dagdag pa ni Grate.