Palasyo, tanggap nang hindi na maisasabatas ang BBL

BBL1Tanggap na ng MalacaƱang na wala na talagang pag-asa na maipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) bago matapos ang panunungkulan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Dahil dito, pinagagawan na ng pangulo si Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles na bumuo ng action plan na maaring ikonsidera ng susunod na adminsitrasyon.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, ang direktiba ng pangulo kay Deles ay makipag-ugnayan sa mga stakeholders para mabuo ang action plan na magsusulong pa rin sa peace process na maaring isagawa habang nasa transition period na mula sa kasalukuyang administrasyon patungo sa susunod.

Nais kasi talaga ni Pangulong Aquino na maipagpatuloy ang kasunduang pangkapayapaan sa mga rebelde kahit matapos na ang kaniyang termino.

Matatandaang mismong ang mga mambabatas na ang nagsabi na malabo nang maipasa ang BBL bago magsara ang 16th congress.

Read more...