Pasyente na kabilang sa itinuturing na PUI ng DOH pumanaw dahil sa pneumonia

Isa na kabilang sa itinuturing na patients under investigation (PUIs) ng Department of Health (DOJ) ang pumanaw habang nasa ospital.

Ayon kay DOH Undersecretary Eric Domingo, nasawi dahil sa pneumonia ang naturang pasyente.

Hindi naman na nagbigay ng iba pang detalye si Domingo hinggil sa pasyente.

Ito na ang ikalawang kaso ng PUI death sa bansa.

Una rito ay isang 29 anyos na Chinese ang nasawi din dahil sa pneumonia.

Sa ginawang pagsusuri sa kaniya ay negatibo naman siya sa novel coronavirus.

Read more...